Posted by at 26th September, 2009

Isang kahig, isang tuka, ganyan kaming mga dukha. Naging matunog ang kantang ito noong ako ay bata pa. In restrospect, I think the song represented what most people thought about themselves. Dukha. Sa tingin ko, ang tunay na sakit ng ating bansa ay nakaugat hindi sa mga maling pamamalakad ng pamahalaan, o sa kabulukan ng karakter ng ...
Posted by at 19th September, 2009

Tapatan tayo. Mamahalin mo ba, o makikisama ka ba sa isang tao na ang papel yata sa mundo ay ipaaalala sayo na hindi ka perpekto? Sa kunting pagkakamali, madali nyang pinupuna ang mga kilos mo. Hindi ka raw maayos manamit. Mali daw ang pronunciation mo. Lumalaki daw ang bilbil mo. Namumula ang pimples mo sa tungki ...
Posted by at 19th September, 2009

Madaling malaman ang isang talunan. Hindi mo na kailangan na basahin ang kanilang mga isip. Hindi mo kailangan usisain sila. Malalaman mo kung paano nila tinitingnan ang buhay. Pagmasdan mo lamang kung paano siya nabubuhay araw-araw. Ang mga talunan ay mga walang disiplina. Katulad siya nang isang guro na nagtuturo nang walang ginagamit na lesson plan. ...
Posted by at 19th September, 2009

Experience is the best teacher. Tama po. Pero marami sa atin ang hindi natuto sa mga aral ng karanasan. Maraming tao ang hindi umaalis sa multo ng nakaraan. Pinipili nilang gugulin ang ngayon sa pag-aalala sa mga nakalipas. Ang tanging halaga lamang po nang nakalipas ay ang mga aral na makukuha natin mula rito. With ...
Posted by at 19th September, 2009

A journey to a thousand miles begin with a single step. Paulit-ulit natin itong naririnig. Ilan lamang ang tunay na gagawa. Maraming mga tao ang takot sumubok. Takot silang mapahiya. Takot silang maging katatawanan. Takot silang kutyaain nang kanilang kapwa. Takot silang mawalan ng kaibigan. Takot silang mabigo. And because they don’t take risks, because ...
Posted by at 19th September, 2009

Grade one lang ang tinapos ko No read no write pa ako Paano na ngayon ang buhay ko Isang kahig, isang tuka, Ganyan kaming mga dukha…. Maliit pa ako nang una kong marinig ang kantang ito ni Freddie Aguilar. Hindi ko na naririnig ngayon si Freddie, pero ang mga linyang ito ay maririnig pa rin natin ...
Posted by at 18th September, 2009

Matalino sila. Masipag sila. Pero natatalo pa rin sapagkat madali silang umaayaw. Ang mga winners nang buhay ay marunong magsikhay, magpunyagi, mag- persists. At ang mga talunan naman ay madaling tumigil, umayaw. Mga mahusay magbiro, subalit mabilis mapikon kapag biniro ng buhay. Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Nakakalungkot isipan na ...
Posted by at 18th September, 2009

Walang gulugod. Walang paninindigan. Walang balls. Sunod-sunuran lamang. Ito ang katangian ng mga taong talunan. Bagaman ang pagkakaroon ng paninindigan ay hindi nagtitiyak ng tagumpay, ang kawalan ng paninindigan ay nagtitiyak ng kabiguan. Ang mga dakilang tao ng kasaysayan ay may paninindigan. Dahil sa paghahangad ng equality o pagkakapantay pantay, nagawang manindigan ni Mahatma Gandhi. Hinangad ...
Posted by at 29th August, 2009

A useless life is an early death. Magmasid ka sa iyong paligid. Sa napakaraming tao na nakakasalamuha mo sa araw, malinaw ba sa iyo kung anu-ano ang mithiin o naisin sa buhay ng bawat isa sa kanila? Ilan sa kanila ang magtatagumpay sa buhay? Ilan sa kanila ang mabibigo? Ilan sa kanila ang nagpupunyagi upang ...